Facebook Reels Downloader
Patuloy na naglalabas ang Facebook ng mga bagong feature habang nakikipagtunggali ang social media platform sa matinding kompetisyon mula sa mga app tulad ng TikTok. Isa sa mga pinakabago nilang inilunsad ay ang Facebook Reels, na nagpapahintulot sa mga user na gumawa ng mataas ang produksyong maiikling video para palakasin ang abot at audience nila.
Ang site na ito ay protektado ng reCAPTCHA at nakapaloob sa Patakaran sa Pagkapribado at Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google.
Ano ang Libreng Facebook Reels Downloader ng Twicsy?
Alam ng mga beteranong Facebook user na puwedeng maging problema ang pag-save ng magagandang video na nakikita nila sa platform dahil ipinagbawal ng parent company na Meta ang karamihan sa mga video download. Nakakaapekto rin ang isyung iyon sa Reels, kung saan puwede lang i-save ang mga clip sa account ng user at hindi sa phone o iba pang device nila. Nilulutas agad ng Reels download tool ng Twicsy ang problemang iyon, nang libre.
Habang nagsa-scroll ka sa Reels section sa FB, mukhang madali ang lahat. Puwede mong i-“save” ang Reel na nagustuhan mo sa isang click lang. Pero ito ang problema: ang ginagawa lang ng aksyon na iyon ay i-save ang video bilang paborito sa account mo; hindi ito dina-download sa phone o device mo. Kapag binura ng creator ang Reel nila, wala na iyon at wala kang paraan para mapanood muli, maipakita sa mga kaibigan, o mai-post sa ibang lugar online.
Bakit hindi nada-download ang clip sa phone o hard drive mo? Simple lang: ganoon ang pagkaka-set up ng Facebook sa app. Ang pagpapahintulot sa mga user na mag-save ng anumang uri ng video ay magkakahalaga sa FB ng malaking pera, at puwede rin nitong ilagay ang kompanya sa gitna ng isang demanda kung may user na mang-abuso sa isang Reel o iba pang vid na na-download nila mula sa Facebook. Ang pagpigil sa mga user na mag-save ng Reels ay purong desisyon sa negosyo. Nagiging mas hindi kasiya-siya ang app na gamitin dahil dito.
Kung sobrang nakakaaliw ng isang Reel na gugustuhin mo itong panoorin nang paulit-ulit, walang problema. Kung gusto mo itong ibahagi sa kapamilya o kaibigan nang personal o online, walang problema. Kung gusto mo itong gamiting inspirasyon o pinagkukunan ng ideya habang gumagawa ka ng sarili mong FB Reels, walang problema. Kahit burahin ito ng creator o umalis siya sa Facebook, available pa rin ito sa iyo.
Libreng gamitin ang Twicsy Reels tool kahit gaano kadalas mo gustuhin, para mag-download ng kahit ilang Reels mo gustuhin, kahit kailan mo gustuhin. Walang bayad at walang obligasyon, at hindi mo nga kailangang maging customer ng Twicsy para magamit ang downloader. Regalo namin ito sa lahat ng bisita ng website, at sine-save ng tool namin ang Reels sa kahit anong phone, tablet, laptop, desktop, o iba pang device.
Bakit Mahalaga ang Kakayahang I-download ang FB Reels
Hindi bagong-bagong feature sa social media ang Reels. Pinapayagan din ng ibang app ang mga creator na gumawa ng maiikling video na may kasamang musika at audio clip, magagandang teknik sa produksyon, at special effects. Pero para sa mga gumugugol ng karamihan sa oras nila sa Facebook, espesyal ang Reels.
Ang maiikling video na ito, na limitado sa 90 segundo, ay nagbibigay-daan sa mga creator na malikhaing ipahayag ang sarili gamit ang makabagong teknik sa pag-edit para pagandahin ang mga video nila mismo sa app. At ang pagkamalikhain at imahinasyon ng FB reels ay nagbibigay sa mga user ng ganap na bagong karanasan sa panonood sa FB.
Kaya mabilis na naging isa sa pinakasikat na feature ng Facebook ang Reels. At maraming user ang gustong mag-save ng ilan sa napakagagandang Reels clip na nakikita nila, dahil ganap na naiiba ang itsura ng isang FB Reel kaysa sa mga karaniwang video na nakikita mo habang nagsa-scroll ka sa feed mo.
May mga taong gusto lang panoorin nang regular ang isang Reel na tumatak sa kanila. Marami ang gustong ibahagi ang natuklasan nila sa mga kaibigang wala sa Facebook. At ang mga nag-aaral pa lang gumawa ng hindi malilimutang Reels ay baka gustong magkaroon ng pinakamagagandang halimbawa para sa inspirasyon kahit kailan nila kailangan ng tulong.
Sa perpektong mundo, hindi iyon magiging problema. Puwede mong i-“save” ang mga paborito mong Reels sa platform at available ang mga ito para panoorin anumang oras. Sa kasamaang-palad, hindi ganoon gumana ang mga app. Puwedeng burahin ang Reels nang walang abiso; puwedeng maglaho sa isang iglap ang mga user at ang mga video nila.
Ang pag-download ng Facebook Reels na gusto mong i-save nang pangmatagalan ang tanging paraan para masiguradong laging nasa ligtas na lugar ang mga paborito mo. Kapag nasa phone o device mo na ang mga ito, puwede mo nang panoorin kapag kailangan mo ng inspirasyon para sa sarili mong mga video, kapag gusto mong ibahagi sa iba na magpapahalaga rito, o kapag basta gusto mo lang.
Gamitin ang Download Tool ng Twicsy Para I-download ang Facebook Reels sa Orihinal Nitong Kalidad
Kung maghahanap ka online ng paraan para i-save ang Facebook Reels, malamang na madidismaya ka. Isang mungkahi ay sundin ang mahaba at magulong listahan ng instruksiyon na kadalasan ay hindi gumagana. Isa pa ay ang paggamit ng screen capture program, pero mababang kalidad at madalas ay hindi mapanood na kopya lang ng Reel ang makukuha nito para i-play sa screen o monitor mo.
May mas magandang solusyon kami. Ang Twicsy Reels downloader ay simpleng gamitin, gumagana sa loob lang ng ilang segundo, at naglalagay ng perpektong kopya ng video sa phone, computer, monitor, o iba pang device mo. Dahil kinukuha ito mismo sa mga server ng Facebook, eksaktong kamukha ito ng Reel na humatak sa iyo, na may parehong kalidad, laki, at resolution. Nalutas ang problema!
Marami na kaming narinig na nag-iiwang bukas ang Twicsy tool sa phone o monitor nila tuwing tinutuklas nila ang Facebook Reels, para agad nilang ma-save ang clip na gusto nilang mapunta sa koleksyon nila. Mabilis at madali itong paraan para masiguradong hindi mo “mawawala” ang paborito mong Reels, at available ang aming Reels downloader sa lahat para sa walang-limitasyong paggamit, nang walang bayad, obligasyon, o paghihigpit!
Bakit Hindi Ka Pinapayagan ng Facebook na Mag-download ng Reels?
Kung ang hula mo ay “pera,” tama ka. Kung ang hula mo ay “mga abogado,” tama ka rin.
Nabubuhay tayo sa mundo kung saan karamihan sa mga patakaran ng kompanya ay isinisisi sa “limitasyon sa badyet,” at walang pinagkaiba ang mga kompanya ng social media sa ibang negosyo. Ang pagpapahintulot sa mga video download ay puwedeng magkahalaga ng malaking pera sa isang platform (ibig sabihin, sa mga may-ari at shareholder nito), dahil mangangailangan ang isang app ng libo-libong dagdag na server para hawakan ang karga.
Ano ang pinakasimpleng paraan para maiwasan ang dagdag na gastos na iyon? Tuluyang ipagbawal ang mga download (o, sa kaso ng mga karaniwang Facebook video, payagan lang ang mga user na i-save ang maliit na bahagi ng mga ito). Ang pagbabawal sa pag-download ng FB Reels ay nakakatipid sa platform ng napakalaking halaga.
Hindi pa iyon ang katapusan ng kuwento. Matagal nang bumabagabag sa industriya ang mga labanan sa korte tungkol sa karapatan sa content, at gumawa ang mga kompanya ng iba't ibang patakarang idinisenyo para protektahan sila mula sa pagkakasangkot sa mga demanda. Ito ang isyu: ano ang mangyayari kung gumawa ng Reel ang isang user, at ito ay dina-download ng pangalawang user na gumawa ng ilegal na bagay dito?
Dahil sa creator nito ang pagmamay-ari ng isang video, kahit na na-post na ito sa isang social app, ang mga nagda-download nito ay walang legal na karapatang gamitin ito sa kahit anong paraan na gusto nila. Ang isang producer na napahamak dahil may nang-abuso sa content niya ay may karapatang humingi ng katarungan.
At puwedeng mapunta mismo sa alanganin ang Facebook. Puwedeng sabihin ng may-ari ng video na kahit paano ay kasalanan ito ng Facebook, dahil nagbigay sila ng access sa content na hindi naman nila pag-aari. Ibig sabihin, puwedeng harapin ng Facebook ang napakalaking bayarin sa abogado at legal na pananagutan.
May madaling paraan para maiwasan ang lahat ng panganib na iyon: ang ipagbawal sa mga user na mag-download ng Reels. Kung may lumitaw na legal na isyu, “protektado” ang Facebook dahil ginawa nila ang lahat ng posible para pigilan ang maling paggamit sa video ng creator. Nagiging mas kulang sa silbi ang app para sa mga user, pero sa totoo lang, hindi iyon ang talagang inaalala ng platform.
Hindi kami nag-aalala sa legal na pananagutan o sa badyet. Wala kaming nakikitang panganib sa pagbibigay ng access sa Reels, at hindi naman kami gaanong ginagastusan sa pagbibigay ng Twicsy tool na ito. Gamitin mo lang ito nang responsable, at ayos ang lahat.
Paggamit ng Twicsy Facebook Reels Download Tool
Hinahayaan ka ng aming downloader na i-save ang kahit anong FB Reel sa loob lang ng ilang segundo.
Kopyahin ang URL ng Reel na gusto mong i-save.
Hanapin ang “share” icon sa Reel (ito ang kurbadong arrow), i-click ito, at saka piliin ang “Copy Link.”
Pumunta sa tuktok ng pahinang ito at ilagay ang link sa kahon.
Halos tapos na.
I-click ang “Download.”
Piliin ang gustong kalidad ng download ng video. Mase-save ang Reel mo sa phone o device mo sa loob lang ng ilang segundo.